Tuesday, January 31, 2006

all the small things

alam mo kinakatakutan ko ngayong mga panahon na to..yung maiwan sa mrt.. yung tipong hindi ka makababa sa dapat mong babaan kasi sobrang sisikan..at kailangan mo pang makipagsapalaran para makalabas o di kaya mag-crowd surf.. para kang nasa rock concert sobrang box office hit ang mrt lalo na pag rush hour.. feeling mo tuloy pumipila sa opening ng don't give up on us..sheyt!


alam mo ba na kapag isang station na lang bago sa stop ko ay sobrang kumakabog na ang puso ko na para bang sasabog na sa kawalan at tuluyan na akong tatangayin sa ibang daigdig.. dahil sa letcheng mrt na full pack.. mas marami pa yata ang papasok kesa sa bumababa... kung hindi nga lang convenient na sumakay dito magtataxi na lang ako araw-araw.. kaso lang bukod sa mura na.. mabilis pa.. *dapat siguro may talent fee ako sa pag-puplug ng mrt..

anyway wala lang akong maisip na topic ngayon.. aside from the fact that i have to do some errands for myself..na tinatamad nanaman akong gawin kasi nga today is my sabbath day. yup, rest day ko ngayon..wala lang..nsa internet cafe na2man ako.. nalululon sa blog na ito na wala namang bumibisita dahil...boring na man bumasa ng kung anu-anong pinagsasasabi ko.. mas maganda ksing tingnan yung blog na maraming pictures kesa yung puro text LANG dba??

ang totoo hindi ako marunong masyado magcustomize ng blog ko...ano ba ang pinagkaiba ng css at html at bakit palaging parang puro na lng acronym ang programming language.. sino c java? at bakit may script siya? anong ba ang equivalent ng c++.. mas mataas ba cya sa C+ na ang equivalent grade sa school namin ay 86 na siyang grade ko rin sa philosophy of religion..na pinakaayaw kong subject sa philosophy bukod sa hindi ko tlaga magets ang philo ay talagang boring lang siya kung kaya't feeling ko wala talaga akong natotohan at feeling ko ay palagi akong inaantok at sino naman talagang hindi aantokin sa mga oras na yun.. e- ala una y medya ng hapon yun eh..kung kaya't kasumpa-sumpa talaga ang pagkakataon na napasok ako sa claseng yun..na kung saan nahahati ang clase sa dalawa "fatalists" na katulad ko at yung iba ay iba rin ang pananaw. nakalimutan ko na ang tawag sa kanila sa sobrang antok ay hindi ko na naabsorb ang pinagsasasabi ng pari kong teacher na amoy putok.. oo, amoy putok... peks man.. panong hindi ko maamoy e nasaharap niya ako palagi.. bad trip nga...

fatalistic na talaga ang pagkakatapon ko sa clase kong yun...dahil the next sem natanggal ako sa honors list dahil sa kanya.. sa subject nya lang.. letche.. why God? why?


ang galing ko magconnect noh? from programming to philo..hmmm.. anyway, balik tayo sa programming.. kailan lang e may tumawag saking employer inviting me to take an exam.. so i said why not.. even though hindi na ako isa sa majority ng population ng philippines *young and underpaid*

but anyways, i decided to go.. although, i've heard a lot of rumors na pamatay daw ang exam dun.. tinamaan ng lintik.. totoo nga..first half palang lugaw na utak ko.. leche pina-take ba nman akong programming exam.. as if may alam ako dun? siguro hindi nman talga nila binasa resume ko.. ;masnilagay*ba ko dun na "language proficiency:english, filipino, C++, java, cobol<>>>{))009"}

WALA! e bakit pa ko papa-takin nun.. kung alam naman nila na wala akong maisasagot na matino.. bukod sa ng one two three lang ako at nag-ini mini my-ni moe para makahagilap ng sagot e talagang matapos ma sagotan ang 100 item questionnaire na yun e nabadtrip lang ako sa katabi ko na punong-puno ang scratch paper at nainis na rin ako sa sarili ko na hanggang ngayon ay sinisisi ko parin dahil sa galing niyang magsales-talk... ewan ko ba kung pano ko nakumbinsi ang sarili ko na patulan ang test na yun..

heto ngayon at dahil sa desisyon na yun ay patuloy ko pa ring pinapahirapan ang sarili ko dahil mamaya ay inischedule na ko for an interview.. letche talaga...why God why?


kaya ngayon, mag-lolog out na ko para mgprepare.. sa lahat panaman ng ayaw ko ay yung pagbebenta ng sarili.. aside from the fact na takot ako na maiwanan ng mrt..

why God why?

Tuesday, January 24, 2006

moving on...

sa buong talambuhay ko apat na beses lang ata kaming lumipat ng bahay..hindi ako masyadong sanay na lumipat lipat ng tirahan..like i always say " i am poor in adaptation". (nasa internet cafe ako..hindi ako makapagsulat ng maayos dahil sa mga bwisit na mga batang ng-ne2twork game..na feeling nila pamamahay nila ang lugar na ito..letche parang palengke..nadadagdagan lang ang pagkainis ko ngayong araw na ito. bukod sa umuulan sa labas at wala akong makagawa kundi ang mag-pretend na may makabuluhan akong sinusulat...hindi lang talaga gumagana ng maayos ang utak ko ngayon...moving on.. like what i've said hindi ako masyadong sanay sa change. feeling ko kasi wala akong alam..feeling ko hindi ako makaka-adjust..paulit-ulit akong nagkakamali.. stubborn nga ako..pero masarap palang magkamali..nalalaman mo ang mga dapat mong malaman..mamumuklat ka sa mga katotohanang kailangan mong pagdaanan..for example.. noong lumipat ako dito sa manila para maghanap ng trabaho ilang beses akong nawala..kung ano anong jeep ang sinakyan ko..kung saan2 ako bumababa dahil alam kong mali ang patutunguhan ko at malamang ay hindi ako umabot sa interview ko.. ang katangahan ko kasi feeling ko "kabisado ko ang lugar" kahit ang totoo..promdi talaga ang drama ko..ayaw ko kasing magtanong baka isipin nila ta2ngatanga ako..which is totoo nga naman..first lesson na natotonan ko "IMPORTANTE ANG MAGTANONG" sabi nga ng aking kaibigang si hernan "it's better be a fool for 5 seconds than to be a fool forever" o diba astig...kaya mula noon..kinukulit ko na ang mga katabi ko sa jeep kung saan ako dapat bumaba at bago pa man ako sumakay ay tinatanong ko na kay manong driver kung tama ang sinakayan kong jeep..moving on...mahirap ang buhay..lumaki akong halos wala masyadong dinadaan na problema..masaya ang buhay ko noon..naalala ko na nasasawa na ako sa pagiging only child dahil halos lahat naman ng gusto ko natutupad. hindi naman super spoiled na tipong nagwawala paghindi ko nakukuha ang gusto ko.. natuto akong maghintay sa tamang oras na pwede akong magdabog upang kulitin ang aking magulang.. hehehe...ngayon ko na-realize na maswerte pala ako noon..masaya pala kami noon compared ngayon..dati inisip at winiwish ko na ampunin ako ng ibang magulang..ewan ko nga ba kung bakit gusto ko maging magulang sina morticia at gomez addams..unconventional kasi ang family nila..parang cool making kamag-anak si cousin it at makasam-bahay si thing at lurch (i can't spell, right now..sorry)feeling ko noon ang boring ng family ko..apat lang kami. ako, si mom si dad at si lola..sa family ko, tatlo lang kaming only child..lahat pa kami puro girls..haha.. ewan ko kung bakit..

anyway..moving on..siguro weird talaga pag-only child..ewan ko lang basta kakaiba kami..may pagka-autistic..may sariling mundo.. minsan loner..ang motto:LEAVE ME ALONE.ewan. sakit ata ako sa ulo ng mommy ko *r.i.p.* mabibilang lang kasi sa kamay ang mga times na nagkasundo kami..hehehe.. alam ko madalas kami noon mag-away lalo na sa pagkain. matakaw kasi ako.. pinipilit nya akong mag-diet.. sa mga panahong yun di pa ako nakikiuso sa mga girls na gusto 18" ang waist line.. mas pinipili ko pa ang pagkain kesa sa laruan.. halata naman di ba... pero kahit na ganun.. bilib ako sa mommy ko kasi nakikiuso talaga yun sa kung ano man ang "in" ako yung kabaliktaran.. masyado akong traditional.. and maybe stubborn nga..like what i said before i hate change.. medjo natuck ako sa isang sulok ng sarili kong mundo..yung mom ko yung palaging bumibili sakin ng mga usong gamit na minsan ay hindi ko ma-appreciate.. masyado kasing pa-KIKAY at hindi ako yung tipong ganun..ragged ako kung pumorma at minsan napagalitan dahil sa sobrang pag-i2dolo sa mga wrestlers at pagkokolekta ng wrestling magasines and t-shirts.. minsan nag-away pa nga kami ni mom dahil ayaw ko siyang pasingitin sa t.v. wrestle mania kasi noon..one of the biggest events sa wwf (wwe). if my memory serves me right, may match noon si the rock ang triple h.. moving on..speaking of rock.. rock music na talaga ang nanalantay sa dugo ko.. maliit pa lamang ako nakikinig na ko kina axel rose, steven tyler at bon jovi..sa mga panahon ring yun e nagpapaka-rock star rin ang aking daddy.. na feeling nya music icon sya sa amin.. si mommy naman ang number one groupie sa band. actually hindi naman talaga hard core rock music ang pinagkakaabalahan ni daddy.. pero siya ay nakilala bilang lead guitarist.. versatile sya sa lahat ng genre..except sa rock (sayang..magkakasundo sana kami sa mga bagay na yan).

sa puntong ito feeling mo pinagyayabang ko ang daddy ko..(syempre..ano pa nga ba) hindi ko kasi masabi sa kanya na proud rin ako kahit papano ng harap-harapan.. shy ako eh.. at syempre proud rin ako sa mommy ko na number one fan nya sa mga pagkakataong iyon.. sayang nga lang at kinuha sa siya nina michael, gabriel at raphae..kung hindi ka tanga alam mo kung sino ang tinutukoy ko..at kung hindi naman..magpakamatay ka muna para malaman mo kung sino sila..moving on...sa mga pagkakataon na to narealize ko kung gano kaimportante ang pamilya..last christmas at new year hindi ako nakauwi samin.fisrt time ko yun na mahiwalay sa kanila..hindi naman masyadong madrama.masaya naman ako sa piling ng second family ko...na syang kumkop sakin for the meantime na nandito ako..nakakahiya dahil para akong outsider..pero hindi ako na-op..nakakatouch *hikbi* dahil wnelcome nila ako na parang isa sa kanila >enter maalaala mo kaya theme songhere gores<:whether you've been through your worst time or it is yet to come, always remenber that life can only be summed up to three words...IT GOES ON..